Eruption Eric Tai Ibinunyag Bakit Siya Natanggal Sa Showtime Noon!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Sparkle

 


Sa wakas, nagsalita na ang sikat na celebrity na si Eric Tai o mas kilala sa kanyang stage name na 'Eruption' tungkol sa kanyang pagkakatanggal sa Showtime 7 years ago, noong taong 2016.


Taong 2012 nang pumasok si Eruption sa 'It's Showtime' sa unang pagkakataon at kasama niya sina Ryan Bang at Coleen Garcia. Noong 2016, tsinugi siya kasabay ni Coleen Garcia, na labis na ikinagulat ng mga netizens dahil isa siyang energetic at magaling na host na isa sa mga nagbigay-buhay sa noontime show.


Ngayon ay inamin na ni Eruption ang totoong kwento ng kanyang pagkakatsugi sa Showtime. Ayon kay Eruption, biglaan ang kanyang pagkakatanggal. Wala naman daw advance notice, bigla na lang sinabi sa kanya na hindi na kailangan ang kanyang mga serbisyo.




Kuwento ni Eruption, isang beses nang papasok na siya sa Showtime, bigla siyang kinuha ng Producer ng show para kausapin sa kanilang opisina. Doon naramdaman ni Eruption dahil hindi siya ipinapatawag noon ng Producer ng programa.


Narito ang kanyang pahayag: "Papasok na ako ng Showtime, tapos kinuha ako nung producer. And then I have a feeling that something is going on. And then sabi niya, Pasensiya na Eric, nagkaroon kami ng reformat. Di na kailangan ang services mo dito."


Idinagdag ni Eruption na kaagad niyang tinanggap ang desisyon na tanggalin siya sa show. Ngunit natakot siya dahil nawalan siya ng trabaho. Ipinaubaya na lang daw niya sa Diyos ang lahat.




Sa kabila ng kanyang pagkakatanggal, nagpapasalamat pa rin siya sa Showtime, Vice Ganda at sa iba pa niyang co-hosts. Dahil sa Showtime kaya siya nakilala at nagkaroon ng pangalan.


Natanggal man siya sa Showtime, marami pa rin siyang endorsement salamat sa noontime show. Sa ngayon, kilala pa rin ang Eruption sa industriya at marami pa ring endorsement.


Isa rin siyang gaming creator sa Facebook kung saan mayroon siyang 3.1 million followers.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo