Vice Ganda, Pinatulan Ang Tweet Ng Netizens Hinggil Sa Hindi Pagkakasama Niya Sa Top Celebrity Taxpayer Ng Bansa!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang tweet ng isang netizens patungkol sa hindi umano niya pagkakasali sa top celebrity taxpayer ng bansa.


"I am actually shocked Vice Ganda was not included sa top taxpayers," tweet ng netizen.


Ipinahayag ni Vice na para sa kaalaman ng netizen, ang mga nangungunang taxpayers na nasa balita ay mula sa Regional District Office (RDO) 39.


Kaya naman ipinunto niya sa netizen at nilinaw na hindi siya taga-RDO 39 kundi taga RDO 38 siya. Inimbitahan din naman umano siya sa seremonya, kaya lang ay hindi siya naka-attend.


"FYI yung nasa news po ay mga top tax payers ng RDO (RegionalDistrictOffice) 39. I am one of the Top Tax Payers of RDO 38. I was invited sa ceremony nung Feb 27 pero di po ako naka attend."


Agad naman itong sinagot ng netizen at sinabing wala siyang masamang intention sa pagtu-tweet ng ganoon. Nagulat lamang umano siya nang hindi makita ang pangalan ng idolo sa post.


"hello meme, I don't have any wrong intention sa tweet ko, I was reading the article and I missed na wala ka po sa list na yun. 'Cause I'm expecting na kasali ka dun. 

Ibang RDO pala sorry na po."


Samantala, agad naman umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang palitan ng tweet nina Vice.


May ilang pang nagsasabing mas nakakagulat umanong wala sa listahan ang pangalan ng presidente sa mga taxpayer ng bansa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo