Karumaldumal Na Pagp@tay Sa Live-in Partner | Kemberly Achas | Buong Detalye

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Ayon sa ulat ng mga P. Cor. Reynante O. Reyes Provincial Director ng Bukidnon, PPO sa kanilang Regional Director, ang insidenteng pananaksak sa 22 years old na babae ng mismong live in partner.


Ayon sa ulat nangyari ang insidente, alas tres y dyes ng hapon noong March 11, 2023 sa Purok 8, Poblacion Sur Don Carlos, Bukidnon sa loob ng kanilang bahay.


Kinilala ang biktima na si Kemberly Achas 3rd year college student.


Nadala pa umano sa hospital ang biktima subalit idiniklara na ring dead on arrival.


Kinilala naman ang suspek bilang si Edson Jamisula, 27 years old ka-live in partner ng biktima at walang trabaho.


Bago ang pananaksak nagkaroon muna ng mainit na pagtatalo ang dalawa. Makikita pa sa isang CCTV footage na pinagsusuntok ni Edson si Kemberly at hinampas pa ng ilang ulit ng upuan.


Napag-alaman din na mga piraso ng basag na salamin ang ginamit ng salarin sa pagsasaksak kay Kemberly habang mainit silang nagtatalo. Tumama ang mga saksak sa iba't-ibang parte ng katawan ng biktima.


Samantala, habang dinala sa hospital ang biktima tumakas naman ang salaring ka-live in nito. Agad din naman itong nahuli ng mga otoridad ng Don Carlos Municipal Police Station.


Narito ang video ng mainit na pagtatalo ng dalawa at ang mismong pananaksak ni Edson sa biktimang si Kemberly Achas.


https://fb.watch/jdFGqH1RRe/

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo