Vice Ganda Nagpasalamat Sa Mga Eat Bulaga Hosts!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely


 Labis na natutuwa ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa pagbati sa kanya ng mga host sa katapat na noontime show na Eat Bulaga.


Sa naging live broadcast ng Eat Bulaga nitong March 31, 2023, naalala ni Joey De Leon ang kaarawan ng kanyang ina, kasabay nito naalala rin niya na kaarawan din ni Vice Ganda.


Agad namang binati niyang pareho ang kanyang ina at si Vice Ganda.


“Birthday ng nanay ko. Birthday din ni Vice Ganda ata,” pahayag ni Joey De Leon.


Agad ding binati ni Maja Salvador si Vice Ganda, “Happy Birthday Ats!”


Dito naging sunod-sunod na ang pagbati para kay Vice Ganda mula sa iba pang Eat Bulaga hosts.


Sinagot naman ni Vice Ganda ang pagbati ng mga hosts sa kabila at ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa mga ito.


“I’m so happy! Binati nila ako ng happy birthday sa ‘Eat Bulaga’! Kay Tito Joey, Sir Joey de Leon, maraming-maraming-maraming salamat.


“Binati nila ako dun, ang saya. Mabuhay kayo ‘Eat Bulaga’. More years to come! I love you. I love you Dabarkads. I love you Eat Bulaga! Sa lahat sa inyo diyan, maraming-maraming salamat,” pahayag ni Vice Ganda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo