Carlo Aquino at Trina Candaza Nagkasundo Na Para Sa Kanilang Anak!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang pag-amin ni Carlo Aquino sa totoong estado ng relasyon nila ng aktres na si Charlie Dizon.


Kasunod nito ay ang kanyang himutok na hindi umano niya nakikita o nahihiram man lang ang kanyang anak na si Mithi kay Trina Candaza.


Subalit sa kamakailang panayam kay Carlo Aquino, ipinahayag niyang present siya palagi sa mahahalagang event sa buhay ng anak.


“As much as possible ay present ako sa kanya. I’ll make sure na napupuntahan ko yung anak ko na si Mithi kapag walang trabaho. Napupuntahan ko naman sya sa school,” pahayag ni Carlo.


Sinabi rin ni Carlo na naging maayos na ang co-parenting set-up nila ni Trina at nagkasundo na rin umano sila para sa kabutihan na rin ng kanilang anak.


“Okay naman kami, we make sure na napapag-usapan namin kung ano ang makakabuti kay Mithi. ‘Yun naman ang mahalaga. Siyempre, nagtatrabaho kami, ginagawa namin ang lahat para kay Mithi.”


Muli na naman niyang ipinahayag na hindi niya sinadya ang pagkahulog ng loob niya kay Charlie Dizon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo