Vice Ganda Idinadaan Sa Joke Ang Mga Banat Para Sa Kasalukuyang Administrasyon!

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely


 Tila marami na sa mga netizen ang nakapansin sa mga birada ni Vice Ganda sa kasalukyang administrasyon sa pamamagitan ng kanyang mga biro.


Noon paman ay kilala na si Vice Ganda sa kanyang mga sarcastic at sattire jokes na siyang dahilan kaya sumikat siya sa showbiz industry.


Samantala, umaani ngayon ng samu't-saring reaction ang paglabas ni Vice Ganda bilang YorMeme sa isang segment ng It's Showtime.


Pinakilala nilang si Yormeme ay isang huwad at magnanakaw na pulitiko.


Noong una ay marami ang natuwa at natatawa sa satirical na karakter na ito ni Vice Ganda. Subalit kamakailan lang, tila nag-iba ang impresyon ng mga manonood sa kanyang kakulitan at mga biro bilang Yormeme. 


Para sa ilang mga netizens, napapansin na umano nila na hindi na lamang basta biro ang mga binibitiwan ni Vice Ganda kundi isa nang pasaring at pagpapatama para sa kasalukuyang administrasyon.


Kagaya na lamang ng 'birong' pahayag ni Yormeme na ito.


“Tuwing makikita niyo ang estado ng pamumuhay ng pamilya ko, malalaman niyong may kinahihinatnan ang perang pinagtrabahuhan niyo!”


“Hindi ka nag-college. di ba? Mataas ang posisyon mo sa akin!”


“Jug, saan ka nag-aral? Grumaduate ka ng college? Mataas ang antas ng pinag-aralan? Isa kang pangkaraniwang mamamayan. Subukan mong tumakbo, walang boboto sa’yo.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo