Jay Fernando Sinabing ‘Nakikipagplastikan' Lang Pala Si Liza Soberano!

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely

Naglabas na ng mga saloobin maging ang ilang nakatrabaho ng aktres na si Liza Soberano hinggil sa mga isiniwalat niyang pahayag sa kanyang vlog at sa ilang interview sa kanya.


Hindi na napigilang mag-react ng creative manager ng 2014 romantic drama TV series na “Forevermore” sa mga nag-viral na pahayag ng aktres na si Liza Soberano.


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook, inihayag niya ang kanyang saloobin sa mga isiniwalat ng dati niyang nakasama sa trabaho na si Liza Soberano.


“Forevermore lang ang naging project ko with Hope. I liked her then. I thought she liked us too nung nasa Baguio kami at nagtratrabaho. I thought she liked what she did. I wished she did,” pahayag ni Jay.


“Back then I thought we created magic, brought La Presa to life and created a beautiful moment in our lives. Hanggang ngayon nakatayo pa rin yun dun. I guess that’s how it is, nakikipagplastikan lang pala sya,” dagdag pa niya.


Gayunpaman, umaasa pa rin si Jay Fernando na magiging successful pa rin si Liza sa pinili niyang career path ngayon.


“I hope she finds success and joy in wherever she would like to go after burning the bridges. More than that I hope she finds herself and be well,” saad pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo