Vhong Navarro Pinawalang Sala Na, Supreme Court Binaliktad Ang Desisyon Ng Court of Appeals !

Martes, Marso 14, 2023

/ by Jerome

 

Supreme Court binaliktad ang Desisyon Ng Court of Appeals at pinawalang sala na ang TV Host actor na si Vhong Navarro.


Ibinasura na nga ng korte suprema ang kasong kinakaharap ng TV host actor na si Vhong Navarro.


Sa inilabas na disisyon ng 3rd division ng korte suprema ay ipinawalang sala ng Supreme Court si Vhong Navarro sa kasong rape dahil sa kakulangan ng probable cause.


Nagsimula ang kasong ito noong taong 2014 matapos paratangan ni Deniece Cornejo si Vhong Navarro ng Attempted Rape.


Na involve naman sa kaso ang kaibigan ni Cornejo na si Cedric Lee at ang mga kasama nito dahil sa pambubugbog umano sa TV host na si Vhong Navarro.


Samantala ngayong araw naman March 14, ay inihayag ni Vhong Navarro ang lubos na pasasalamat niya sa mga taong hindi sumuko sa pagdarasal para sa kanya lalong-lalo na sa kanyang pamilya at mga kaibigan na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya.


Saad niya, "Dasal ako ng dasal everyday, every night  na makuha ko na ang minimithi ko na matapos na itong pinagdadaanan ko."


"May panahon na nawalan ako ng pag-asa eh, nawalan ako ng hope noong nasa loob ako pero hindi ako tumigil sa pagdarasal."


"Ito na po dininig na po ng Supreme Court ang dasal natin, nagkaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko kaya maraming-maraming salamat, sa Supreme Court."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo