Vanessa Hudgens Excited Nang Makipag-Face to Face Sa Kanyang Mga Filipinos Fans!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng aktres na si Vanessa Hudgens ang kanyang pananabik na ma-meet ang kanyang mga Filipino fans face to face.


"Hello to the Vanessa Hudgens Philippines fan club. I love you guys and I'm so excited to come and to meet you all face-to-face," pahayag ni Vanessa sa isang video na ibinahagi ng Publicity Asia.


Nakilala si Vanessa Hudgens, sa kanyang magagaling na pagganap sa "High School Musical" at "The Princess Switch".


Naging malaking usapin sa showbiz ang balitang bibisita sa bansa ang aktres ngayong taon upang mag-film ng isang travel documentary, na susuriin ang kasaysayan ng kanyang pamilya at pinagmulang Pilipino.


Para sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas, makakasama ni Vanessa Hudgens ang kanyang kapatid na si Stella at ang kanilang inang Pilipina na si Gina, na kasama rin sa shooting ng proyekto.


Magsisimulang mag-roll ang mga camera sa huling bahagi ng buwang ito, at bibisita sila sa Palawan at Manila.


“I feel like ours is such a relatable story to so many women all over the world. The more that we can share, the more we can lift each other up,” ani Vanessa.


Matatandaan na noon pa man pangarap na ni Vanessa na maging isang movie ang story ng kanyang ina na naging immigrant sa Amerika.


"My mom is from the Philippines, and growing up, there weren't really that many women who looked like me and my mom and my family on screen. It’s so important to share all the different stories because America is a massive melting pot, [just like the] world."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo