Tickets Para sa 20th Anniversary Ni Sarah Geronimo, Sold Out Na!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Sold out na ang ticket para sa darating na concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa Big Dome sa darating na May 2023.


Nangyari ito nang wala pang isang linggo mula nang maging available ang mga tiket sa lahat noong March 17, 2023.


Ang concert na magaganap sa darating na  May 12, 2023 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City, ay ipinagdiriwang ang ika-20 anibersaryo ni Sarah Geronimo sa show business.


Ito ay ididirek nina Paolo Valenciano at Geronimo mismo.


Noong March 1, minarkahan ni Sarah Geronimo ang kanyang 20th anniversary sa entertainment industry sa pagrelease ng panibagong kanta sa pamagat na Habang Buhay.


Inaasahan din niyang magkapaglabas ng bagong album sa taong ito.

 

Sinimulan ni Sarah Geronimo ang kanyang showbiz career nang manalo siya sa talent show na "Star for a Night" noong 2003. Mula noon, isa na siya sa pinakamatagumpay na mang-aawit at artista sa Pilipinas.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo