Coco Martin Nagsalita Na Kaugnay Ng Mga Banat Sa Kanya Ni Rendon Labador Tungkol Sa Batang Quiapo

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Jerome


 Sinagot ng ng actor director na si Coco Martin ang mga pahayag ng social media influencer na si Rendon Labador laban sa kanya.


Sa naging panayam kay Coco ay na itanong nga sa kanya kung anu ang masasabi niya hinggil sa nasabing issue.


Ani Coco, "Kapag hitik ang bunga talagang may babato at babato sayo."


"Ako, iniintindi ko nalang na siguro yong mga tao, gusto maghanap buhay, o kailangan lang na gawin yun."


"Pero alam ko naman na sana, wala silang masamang intensyon na manggulo, kasi hindi maganda eh."


Matatandaang binato ng hindi magagandang salita ni Rendon ang actor director na si Coco Martin matapos niyang mabasa ang hinaing ng isang netizen patungkol sa taping ng Batang Quiapo, na nakaka apekto daw sa kanilang pagtetenda sa lugar.


Hindi lang isang beses ng yari ang pag call out nito kay Coco dahil may pa video post din ito kung saan ay tinawag niya ang actor na anak ng tokwa, at sinabihan na umalis na sa Quiapo at gumawa ng sarili nilang studio.


Bilang sa siya ang mas nakakaunawa sa sitwasyon ay pinili nalang ni Coco na magpatawad sa kabila ng hindi magagandang ibinabato nito laban sa kanya.


Saad ni Coco, "Pero sa akin kasi, sabi nga nila kung sino yung nakakaunawa di ba, pagpasensyahan mo nalang, unawain mo nalang."


"Ako naman, sabi ko nga, sa lahat ba ng blessing na dumarating, siguro yung pagiging mabuting tao nalang ang binabalik ko, kaysa sa patulan ko or ano."


Ipinaliwanag din ni Coco na wala naman daw silang nilalabag na batas sa kanilang taping dahil nagpaalam daw sila at alam nila ang kanilang ginagawa.


Lahad niya, "Para sa akin kasi, mas marami tayong anu eh bagay na pag-ukolan, naghahanapbuhay ka lang naman."


"Sa palagay ko naman wala kaming ginawang madsama, di kami lumalabag sa batas, kasi sa una't una alam po namin yung ginagawa namin."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo