Umalis Na Kapamilya Star Nag-Renew Na! Tatlong Kontrata Ang Pinirmahan!

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Jerome

 


Masayang-masaya ang actor at director na si Xian Lim dahil sa bagong episode sa kanyang showbiz career.


Ang actor director na si Xian Lim ay dating kapamilya ngunit nagdesisyon na umalis sa ABS-CBN at lumipat sa ibang TV network.


Sa pinakabagong kaganapan ay hindi makapaniwala si Xian Lim na limang taon na ang nakalilipas mula nang lumipat siya sa Viva Artists Agency (VAA) noong January 2018.


Nitong Martes ng hapon, March 28, 2023, muling nag-renew ang aktor direktor na si Xian ng exclusive contract sa kanyang home studio na Viva Artists Agency.


Ang pinagkaiba sa kanyang pag perma ngayon ay limang taon ang bisa ng bagong kontrata ni Xian at hindi lamang isa kundi tatlo ang pinirmahan niyang kontrata.


Ayon nga kay Xian ay maituturing na isang karangalan ito para sa kanya.


Masayang-masaya nga si Xian sa landas na kanyang tinahak bilang actor at director.


Pahayag ni Xian, "We’re signing three contracts, and I’m very happy to announce that I’m signing my Viva Artists management contract."


“I’m also signing my films contract and I’m also signing my directing contract for Viva, so I take so much pride in that."


"Thank you to the bosses, sa trust that they gave me and they continue to give me," saad niya.


“Ang bilis ng panahon, ang bilis ng oras,"


"I guess it’s because masaya rin. Parang naglalaro lang, at the same time, maraming natututunan.


“It feels wonderful to be part of Viva family. They stay true to their promise. Dire-diretso ang trabaho and I felt my efforts were appreciated."


Dagdag pa niya, "Kumbaga, yung pagod at puyat na ibinibigay ko to study the role, because of the respect I have for the audience, napapansin naman yon ng mga bosses. I’m super happy."


"I take so much pride in being part of the Viva family and it’s because I learned so much."


"And hindi ko lang sinasabi na may mga natutunan ako dito. The work speaks for itself sa variety of projects na naibigay nila sa akin."


"I can’t help but learn a lot from different roles, from different genres na naibibigay nila sa akin."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo