Dingdong Dantes at Marian Rivera, Gagawa Ng Pelikula Sa Star Cinema

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Jerome


Tuwang-tuwa ngayon ang mga fans ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa sobrang busy nga ng mga ito ngayon.


Noong panahon ng pandemic ay maraming offer kay Marian ngunit tinanggihan muna niya ang mga ito siguro para makapagpahinga muna.


Ngunit ngayon ay mukhang magbabalik teleserye na ulit ang actress at bali-balita pang gagawa umano siya ng pelikula ngayong taon.


Usap-usapan ngayon na magsisimula nang magtaping ang actress na si Marian sa susunod na buwan April, para sa kanyang pagbabalik teleserye.


Pero mauunang magtaping ang asawa niyang si Dingdong dahil posible daw na ngayong katapusan ng March ay magtaping na ito.


Kaya naman excited ngayon ang kanilang mga taga hanga dahil sa tagal nga na hindi sila nakagawa ng teleserye, pero ngayon ay makikita na nilang muli ang kanilang mga idolo na magkasama sa isang palabas.


Isa pa sa inaabangan ng mga netizens ay ang balitang gagawa daw ng pelikula ang mag-asawa sa Star Cinema ito daw ay kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo