Tito Vic & Joey NAGSALITA NA sa Pagtsugi Sakanila sa Eat Bulaga Dahil sa Rebranding!

Sabado, Marso 4, 2023

/ by Sparkle

 


Nagulat ang lahat kahapon matapos ang napapabalitang rebranding ng longest-running noontime show, ang Eat Bulaga. Nakasaad sa balita ng rebranding na tsu-tsugiin ang tatlong pioneer ng Eat Bulaga.


Among them are Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon. Kasama rin si Maine Mendoza. Nagsalita rin tungkol dito ang kontrobersyal na showbiz journalist na si Lolit Solis, na may internal problem daw na nangyayari sa Eat Bulaga.


Hindi lang daw isang tao ang nagpapatakbo ng noontime show kundi marami dahil ito ay isang korporasyon. Matapos pumutok ang kontrobersya, sa wakas ay nagsalita sina Tito Sotto at Joey De Leon tungkol sa rebranding ng palabas.




Natawa na lang ang dalawa sa nasabing balita na matsu-tsugi sila sa show. Tito Sotto posted this photo with Eat Bulaga boss Antonio Tuviera.


Ayon sa kanyang caption, "Tito and Tony last night! Who says we're splitting?"




Samantala, ipinost ni Joey De Leon ang headline ng isang news article tungkol sa trending na rebranding ng Eat Bulaga.


Ayon sa kanya, "Actually, natatawa at natutuwa ako sa mga pangyayari kasi pinag-uusapan pa rin kami hanggang ngayon! Thanks! @helenstito @pauleenlunasotto"





Ayon kina Tito Sotto at Joey De Leon, dalawa sa pioneer hosts ng Eat Bulaga, walang katotohanan ang rebranding at tsismis na aalisin sila sa noontime show.


Mahigit 30 taon nang nasa ere ang programa, na nagsimula sa RPN noong 1979-1989, sa ABS-CBN mula 1989-1995 at mula 1995 hanggang ngayon ay nasa GMA na.


Simula nang umere ang Eat Bulaga noong 1979, nandoon na sina Tito, Vic at Joey. Imposibleng matanggal sila sa Eat Bulaga ng ganoon katagal.




Ayon sa sikat na kasabihan, "Don't fix what's not broken" o huwag subukang ayusin ang hindi sira.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo