John Prats babalik lang sa pag-arte kung makakatambal si Heart Evangelista

Sabado, Marso 4, 2023

/ by Sparkle

 


NAG-ENJOY ngayon si John Prats bilang concert director kaysa umarte sa harap ng camera dahil challenge ito sa kanya at aminado siyang mas malaki ang talent fee.


Nakilala si John bilang aktor at mang-aawit noong 1990's hanggang 2013. Napabilang siya sa "FPJ's Ang Probinsyano" noong 2016 hanggang sa hindi siya pinabayaan ni Coco Martin para magkaroon siya ng kapalit sa pagdidirek ng nasabing action series na tumagal ng pitong taon.


Muli naming tinanong si John kung ano ang kondisyon niya para mapanood siyang muli na mag-artista at nagulat kami sa sagot niya, na gumawa sila ng project ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista.




Matatandaan noong 2003, naghiwalay ang dalawa dahil noong panahong iyon ay sikat si John at gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career, na kaliwa’t kanan ang paggawa ng mga proyekto.


Sa nakaraang mediacon ng aktor-direktor para sa selebrasyon ng kanyang 30 taon sa showbiz, inamin niya sa amin, "A project with Heart maybe."


“May nag-pitch lang sa akin na, maybe a movie with Heart. So, kung may gagawin akong movie or series siguro with Heart kasi parang hindi na ako gagawa para sa sarili ko.




“Marami kasing John-Heart fans, eh, ang dami pa rin like ‘yung Angelica (Panganiban) at Carlo Aquino nu’ng gumawa sila (Excess Baggage movie) nostalgic.


“So, siguro ganu’ng aspeto kasi may sarili na kaming buhay, ang dami ng nangyari sa amin individually, so, parang interesting din kung iisipin mo,” Nakangiting pag-amin ni Pratty sa aming eksklusibong panayam.


Sa tanong kung artista lang ba siya o siya rin ang magdidirek ng project nila ni Heart kung sakaling matuloy, “Puwedeng artista-director, puwedeng artista lang.”




Sino ang nagtayo ng nasabing proyekto, “Nabanggit lang sa akin ng taga-Cornerstone, puwede naman depende sa kanya (Heart) kung gusto niya.”


May komunikasyon pa ba sila ngayon ng aktres at luxury influencer na mas madalas sa ibang bansa dahil sa kaliwa’t kanang projects niya.


“Wala na simula nu’ng nag-GMA, well sila ni Liv (Isabel Oli), mas friends sila ng asawa ko,” pag-amin ni John.




Sabi namin na baka magkaroon through Liv ang contact para kay Heart, “Oo, naisip ko na puwede naman sana matuloy.”


Hirit, siguradong may kilig ang John-Heart loveteam, sagot ni Pratty, “Definitely mayroon as a loveteam there’s magic, eh.”


Well, sa lahat ng producers, baka interesado kayong ibalik ang John-Heart loveteam. Willing daw si Pratty na magpabalik-balik kasama ang asawa ni Sen. Chiz Escudero.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo