Sofia Pablo Nastarstruck Kay Francine Diaz Sa Kanilang Pagkikita Sa Bench!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platform ang dalawang young stars na si Francine Diaz at Sofia Pablo, matapos nilang mamataan na magkasama.


Matatandaan na noon pa man ay pinagkukumpara na ang dalawa. Kaya naman napapatanong ngayon ang ilang mga netizens kung bakit sila magkasama sa iisang event.


Matatandaan na maging ang mga teleseryeng pinagbibidahan nila ay magkatapat pa noon sa kaparehong timeslot.


Subalit, tila sa kabila ng pagkukumpara ng mga netizens sa dalawa, makikita sa nasabing larawan na magkaibigan ang mga ito.


Kumakalat pa ngayon ang isang lumanag larawan kung saan makikitang magkaakbay pa ang dalawa.


Nagkanya-kanya naman ng hula ang mga netizens sa pagkikita ng dalawa. May mga nagsasabing baka may proyekto ang mga ito na magkasama.


Samantala, kung ito man umano ang mangyayari ay tiyak na papatok ito dahil sa maraming tagahanga ang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo