Barbie Forteza Nagselos!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Jerome

 

Matindi na talaga ang kasikatan ng young actor na si David Licauco dahil pati ang mga taga-Davao ay nagmistulang pinag fiestahan siya.


Nasungkit nga ng actor ang mga taga Davao ng kanyang mala Korean na look.


Makikita nga ang video ng Sparkle GMA artist center na nag peperform ang actor na si David Licauco sa isang mall sa Davao.


Makikita nga sa nasabing video na sangkatutak na mga tao na halos ang buong floor ay nanonood sa kanya.


Maririnig din sa video ang malalakas na hiyawan at tilian ng mga manonood doon at siyempre ang kislapan ng mga kamera.


Sabi pa ni David na sa mga taga Davao "I love you all" na tinilian ng husto ng mga manonood doon. 


Pero nagreact naman ang kaloveteam niyang si Barbie Forteza na tila nagseselos sa mga magagandang dilag ng Davao, sabi nito, "Ang dami mo namang love."


Ngunit ayon sa mga fans na si Barbie nga daw ang may ibang love at iyon ay walang iba kundi ang boyfriend niyang si Jak Roberto. 


Samantalang si David ay single na single naman daw. 


Anyway magkasama sina Barbie at David sa Lady and Luke ng Daig Kayo ng Lola Ko kung saan ay sobrang pinakilig na naman ng dalawa ang mga netizens sa harotan nila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo