Janella Salvador Nagluluksa Sa Pagpanaw Ng Isang Mahal Sa Buhay

Martes, Marso 21, 2023

/ by Sparkle

 


Labis na kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng Kapamilya actress na si Janella Salvador matapos ang pagkamatay ng isa sa pinakamamahal niya sa buhay at matagal na niyang nakasama, ang alaga niyang pusa na si Twinkie.


Nitong Lunes, January 16, ibinahagi ni Janella Salvador sa kanyang Instagram account ang malungkot na balita tungkol sa alaga.


17 years nang nasa pangangalaga ni Janella si Twinkie dahil ibinigay ito ng kanyang ina na si Janine Desiderio noong 8th birthday niya.




Sa kanyang post, ipinahayag din niya kung gaano siya na-inlove kay Twinkie at first sight nang makita niya ito sa isang pet shop. Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang yumaong alagang pusa at nangakong hindi niya ito makakalimutan.






Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpaalam ang aktres sa kanyang mga alaga dahil namatay ang kanyang alagang aso na si Max noong nakaraang taon.


Hulyo noong nakaraang taon nang pumanaw ang alagang aso ni Janella na si Max, na kasama niya noong mga panahong malungkot siya at tinuturing niyang kapareha sa buhay.




Marami ang nagpaabot ng pakikiramay sa aktres mula sa mga kaibigang artista.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo