Skusta Clee to Zeinab Harake at Rosmar Tan! Galit Na Nagsagutan! Fans Nadismaya Sa Ugali Na Pinakita

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang sagutan ng social media influencers na sina Zeinab Harake at Rosmar Tan. Matapos ang pagbabahagi ni Rosmar ng screenshot kung saan pinagtatawanan siya ni Zeinab sa isang 'my day' photo niya.


Agad namang nagkomento si Zeinab at ipinunto na may karapatan naman siyang matawa at hindi lamang siya ang nag-'haha' react sa nasabing photo.


Ibinahagi naman ni Rosmar na noon pa man ay idol na niya si Zeinab at nais na magkaroon man lang ng picture rito.


Samantala, marami sa mga fans ni Zeinab ang nadismaya sa ipinapakitang ugali nito. Tila lumabas na umano ang totoong kulay ng vlogger.


Ayon pa sa ilan na totoo pala ang chika noon na ang masamang ugali ni Zeinab ang naging dahilan kaya iniwan ito ng dating kinakasama na si Skusta Clee.


Tila napatunayan na rin umano ang mga isiniwalat ni Wilbert Tolentino na nagbabait-baitan lamang si Zeinab. Kung wala umanong kamera ay nagtataray na ito.


Pagpupunto pa ng ilang mga netizens na sana ay nanahimik na lang itong si Zeinab at sana'y hindi na lang pinansin ang my day ni Rosmar dahil nakakainsulto naman talaga ang pagtawa sa isang tao na hindi naman katawatawa ang post.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo