Siya Na Kaya Ang Susunod Sa Yapak Ni Pia Wurtzbach?

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Jerome

 

Kung papalarin ngayong taon si Pauline Amelinckx sa Miss Universe Philippines 2023 magiging katulad ang kanyang journey kay Pia Wurtzbach.


Kung saan ay 3rd times sumali sa pageant at sa ikatlong pagkakataon nga na ito ay nasungkit na ni Pia ang korona hindi lamang sa Miss Universe Philippines kundi kinoronahan din siyang Miss Universe noong 2015.


Kagaya ni Pia ay binatikos din umano itong si Pauline ng mga netizens dahil sa hugis ng kanyang katawan at pangatlong beses niya din itong pagsali sa nasabing pageant.


Si Pauline Cucharo Amelinckx ay isang Belgian-Filipino host, model and beauty queen mula sa Bohol, Philippines.


Dati siyang nagtrabaho bilang retail at sales consultant sa CWC Interiors sa Taguig, Metro Manila. Noong Pebrero 2020, dumalo siya sa taunang CWC golf tournament sa Manila Golf and Country Club sa Makati City, Metro Manila.


Noong Oktubre 25, 2020, kinatawan niya ang Bohol sa Miss Universe Philippines 2020 at nakipagkumpitensya laban sa 45 iba pang mga kandidata sa Baguio City. Itinanghal siyang third runner-up kay Rabiya Mateo.


Noong Abril 30, 2022, kinatawan niyang muli ang Bohol sa Miss Universe Philippines 2022 at nakipagkumpitensya sa 30 iba pang mga kandidato sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Ikatlo siya, na nanalo sa non-competing title na Miss Universe Philippines Charity 2022.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo