Sino Ang Mas Mayaman Sa Kanila Ngayong2022 | Rosmar Vs Glenda

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang dalawang CEO ng mga beauty products na sina Miss Glenda at Rosmar Tan.


Ipinahayag kasi ni Miss Glenda na nagsampa siya ng reklamo laban kay Rosmar dahil dinadamay na umano nito sa kanilang bangayan ang kanyang mga anak at pamilya.


Kumuha na rin si Miss Glenda nang sikat na abogado na siyang hahawak sa kasong isinampa niya laban kay Rosmar.


Subalit usap-usapan ngayon ng ilang mga marites kung sino nga ba sa dalawa ang mas mayaman.


Si Rosmar Tan ay isang beauty products CEO at social media influencers na hinahangaan ng marami. Bago pa man siya naging CEO may iba't-iba na siya negosyo kagaya na lamang ng ilang restaurants, pet shop at milk tea shop.


Namana ni Rosmar sa kanyang mga magulang ang kanyang pagiging business minded. Chinese ang mga magulang ni Rosmar na mas pinili ang paninirahan sa bansa at nagtayo ng mga negosyo.


Dahil sa pagsisikap ni Rosmar naipundar niya ang malaking bahay na tinitirhan nila ngayon, lupa at maraming mga sasakyan.


Samantala, kamakailan lamang ay inamin ni Rosmar na kumita siya ng mahigit 8 million sa isang live session ng kanyang TikTok account.


Si Rosmar ay isa sa maituturing na successful businesswoman ng bansa sa kasalukuyan.


Sa kabilang banda si Glenda Victorio na mas kilala bilang Ms. Glenda ay isa ring beauty prooducts CEO at social media influencer.


Nagsimula siyang pasukin ang anumang trabaho noong siya'y 19 years old pa lamang upang maitaguyod niya ang anak nila ng kanyang partner.


Nang makapag-ipon, pinasok ni Ms. Glenda ang online selling ng iba't-ibang produkto kagaya na lamang ng mga kandila at tsinelas.


Inamin niyang hindi naging madali ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. Subalit dumating rin ang kanyang swerte sa edad na 22 ay isa na siyang ganap na CEO.


Si Andrea Brillantes ang naging unang endorser ng brilliant skin at siyang nagpaingay sa kanyang mga produkto. Hangang sa madagdagan pa ito nina Jelai Andres at Zeinab Harake, Jillian Ward, Ivana Alawi, Rabiya Mateo at marami pang iba.


Million naman ang ibinabayad ni Ms. Glenda sa kanyang mga endorser kaya naman masasabing napakasuccessful nito.


Dahil rin sa paglago ng kanyang negosyong Brilliant Skin ay naipatayo ni Ms. Glenda ang kanyang dream house. Nabili na rin niya ang mga sasakyan na dati ay tinitingnan lamang niya.


Ngayon ang kanyang produkto ay ini-export na rin sa iba't-ibang bansa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo