Maegan Aguilar Hiniling Na Sana'y Naging Ulila Na Lamang Siya!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Naging emosyunal ang anak ni Freddie Aguilar matapos inihayag ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang programa na nagpositibo siya sa hair follicle test.


Nagpapatunay lamang ito na nagsinungaling siya sa harap ni Idol Sen. Raffy Tulfo at gumamit pa rin si Maegan ng shabu.


Gayunpaman, inalok ni Sen. Raffy si Maegan na magrehab na tinanggihan naman nito dahil hindi naman umano siya adik.


Subalit ayon kay Sen. Raffy na ito na lamang ang tulong na maibibigay niya kay Maegan dahil hindi ito pumasa sa drug test na isinagawa.


Gayunpaman tila nabuhayan si Maegan dahil sinabi ni Raffy Tulfo na maari niya itong tulungan sakaling magparehab ito at tuluyan na ngang magbago.


Samantala, sa isang parte ng programa inilahad ni Maegan na hindi man lang siya naprotektahan ng kanyang amang si Freddie kaya ito ang kinasadlakan niya ngayon.


Sana umano'y naging orphan na lamang siya dahil tiningnan lamang siya ng kanyang ama na masira ang buhay. Hindi umano siya nito inalagaan at pinrotektahan.


"Alam po ng buong mundo na my father doesn't protect me. My father doesn't care about what happened to me. And everybody knows it."


"I wish I was an orphan sir... Mas maganda pong maging ampon sir, kesa ganito na totoong anak, pinapanood lang nila akong masira sir," pagsisiwalat ni Maegan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo