Salpukan Ni Liza Soberano at Ogie Diaz Inawat Ni Lolit Solis

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Jerome

 

Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon sa social media ang issue ng dating magkasama at magkasangga na sina Liza Soberano at ang Talent manager nito na si Ogie Diaz.


Hindi parin nga nahihinto ang palitan nila ng mga akusasyon sa isa't-isa.


Kaya naman marami ang nalulungkot sa pangyayaring ito at isa na nga dito ay si Manay Lolit Solis na beterano na sa industriya ay nagbigay nga siya ng kanyang komento ukol dito.


Saad nga niya sa kanyang post sa Instagram ay, "Natatawa ako sa mga nangyayari ngayon between talents and managers, Salve."


"Ewan ko pero feeling ko napaka lucky ko sa mga alaga ko dahil hindi ako nagkaruon ng issue sa mga ito. To think na wala akong kontrata sa kanila."


"Lahat kami honor system lang, lahat base on trust. Basta kasi katwiran namin nuon ni Douglas Quijano pag ayaw na sa iyo, let go." 


"Huwag mong habulin ang gustong umalis. Saka lagi ko kasing basis pag tanggap ng talent iyon dapat may emotional attachment ako, iyon mahal ko bago ko ihandle. At so far, wala naman akong naging problema." 


"Kalungkot kasi na pag matagal na iyon samahan ninyo, at maghiwalay kayo, magkakaruon ng bitterness. Mas maganda na pag ayaw na, pareho ninyong tanggap ang ending ng samahan ninyo ng walang galit sa loob mo."


"Ang manager/talent relationship parang family din. Magkakahiwalay pero nanduon parin iyon good memories dapat. Melancholic nga ako nuon wake ni Douglas Quijano at Bibsy Carballo na nakita ko mga talents nila ang nag aasikaso."


"Talagang turing pamilya. Kaya sad pag makita mo na nag aaway ang dating magka kampi. It leaves a bad taste in the mouth."


"Sana maisip nila na after a long years of working together, dapat kung maghiwalay man, let it be."


"Walang siraan, walang bad words. Peace lang. Maliit lang ang showbiz, at magkikita kita kayo lagi, gusto mo bang lagi kang may iniiwasan, hindi maganda di ba ? Kaya no more word war, stay quiet , mas class pa, mas bongga."👍



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo