Ogie Diaz Kinuntra Ang Mga Pahayag Ni Liza Soberano Sa Panayam Ni Boy Abunda!

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


 Sinagot na ng dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang mga akusasyon sa kanya ng dating alaga sa interview nito kay Boy Abunda.


Matatandaang na ayon kay Liza Soberano kasinungalingan ang sinasabing hindi humihingi ng komisyon si Ogie Diaz sa kanya dahil hanggang ngayon ay tumatanggap pa rin ito ng komisyon sa laban.


Agad na dinipensahan ni Ogie Diaz ang kanyang sarili at iginiit na hindi siya nagsinungaling at hindi siya sinungaling.


Ayon pa kay Ogie Diaz na wala siyang sinabing hindi siya nanghingi ng komisyon mula kay Liza in the past two years.


Inamin pa nito na hanggang ngayon ay tumatanggap pa rin siya ng komisyon mula sa existing contracts ni Liza sa mga endorsements na narenew nung siya pa ang manager nito.


“I am making up lies? Anong lies? Wala akong lies,” giit ni Ogie.


Dagdag pa ng talent manager na hindi naman siya nasaktan sa mga sinasabi ni Liza laban sa kanya dahil alam naman umano niya ang kanyang mga sinasabi.


Pinayuhan pa nito ang kampo ngayon ng aktres na panoodin ang kanyang mga nakaraang vlog upang malaman ng mga ito na kailanman ay hindi niya sinisiraan at kinakalaban si Liza.


“Panoorin sana ng kampo ni Liza Soberano ‘yung mga nakaraang videos. Hindi ko siya siniraan!” lahad ni Ogie.


“Ang sinabi ko lang, huwag kang makakalimot, ‘yun ang pinapaalala ko. Huwag tayong magsusunog ng tulay so be grateful,” aniya pa.


Sa huli pinayuhan niya ang dating alaga na si Liza Soberano na huwag nang magpadala sa sulsul upang matigil na rin ang pambabatikos sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo