Rendon Labador, Sinabihang Hindi Marunong Um-acting Ng Sariling Kapatid!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin ang mismong kapatid ni Rendon Labador na si Jormiel Labador hinggil sa mga sunod-sunod na banat ng kanyang kapatid laban sa Kapamilya actor na si Coco Martin. 


Pinayuhan ni Jormiel ang kanyang kapatid na kung gusto niyang mag-artista ay sumabak sa worshop at hindi puro gym lamang.


Ayon pa kay Jormiel na baka hindi nagustuhan ni Coco Martin ang pag-arte ng kapatid niya kaya hindi nito kinuha dahilan upang personalin na ito ni Rendon.


"Tol, kinukuha ka naman pala anong iniiyak mo? Kasi si utol kasi parang may lihim na galit kay Coco Martin eh, parang personal eh no. Siguro pinag-acting, hindi nagustuhan, hindi nakuha. Yun ang feeling ko eh, hindi marunong um-acting eh"


Dagdag pang payo nito para kay Rendon, “Kung gusto mo talagang mag-artista tol, mag-workshop ka. Baka hindi nag-work shop, baka puro gym.. Tol wag puro gym, mag-workshop ka, gusto mo palang mag-artista ayaw mong mag-workshop" 




Agad namang umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens ang pagpapayo ni Jormiel kay Rendon.


"Kahit barilin Ng sampung beses sa batang quiapo Buhay padin to si boss haring bangis hahah, tigas Ng katawan eh"


"Maganda nga Kunin k sa batang quiapo para Lalo umiyak utol mo"


"#batangquiapococomartin kunin mo na si idol bisaya ako galit kami sa kanya pero idol ko na to ngayon. 😂😂sana makita namin sya sa batang quiapo😂"


"Pag to makuha sa batang quiapo manonood talaga ako ng batang quiapo HAHAHAHAHHAA"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo