Alden Richards Nilinaw Na Ang Dahilan Kung Bakit Iniwan Noon Ang Eat Bulaga!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng aktor at Pambansang Bae na si Alden Richards ang totoong dahilan ng pag-alis niya sa noontime show noon na Eat Bulaga.


Ayon kay Alden Richards na sa mga panahong iyon ay nagkapatong-patong ang kanyang mga projects kaya lumiban na muna siya sa show.


Sa Youtube channel ng Eat Bulaga, isa-isang sinagot ni Alden Richards ang mga katanungan para sa kanya.


Kabilang na rito ang pansamantalang pagliban niya sa show.


"Explain ko na rin ano ba talaga ang nangyari. Last year, nag-pile up ang mga projects na gagawin ko last year. Nagtayo ako ng sariling production."


"Sinolidify ko muna ang foundation 'nun. Ayaw ko kasi na bumalik sa Eat Bulaga tapos paisa-isa lang. Gusto ko pag bumalik ako, committed ako, kahit hindi man everyday basta at least hindi ako mawawala in a week. Pagbalik ko at least buo akong haharap sa mga dabarkads being a host of the show," pagpapaliwanag ng aktor.


Matatandaang unang na isyu ang pag-alis ni Alden sa Eat Bulaga dahil sa pakikipagrelasyon umano ni Maine Mendoza kay Arjo Atayde.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo