Rendon Labador Naghahanap Ng Mga Investment Sa Kanyang Pang-number One na Resto Bar sa 2.5 Million Lang!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely


 Muling nagpaanyaya ang self-proclaimed motivitional speaker at6 social meda personality na si Rendon Labador sa mga business minded people na mag-invest sa kanyang negosyo upang magkaroon umano ng karagdagang income.


Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Rendon Labador na open for investment sila para sa ikalawang branch ng Episode Bar + Kitchen sa Clark Pampanga.


“Ang investment po natin doon sa Clark Episode 2, ground floor po ‘yun ha, sa loob po ‘yun ng mall tapos 24 hours ‘yun.”


“Alam niyo naman ang Clark diba, sobrang taas ng demand pagdating sa bar tapos mga foreigners ‘yung client natin doon,” pagbibigay detalye pa nito.


Paglilinaw pa ni Rendon sa mga nagnanais na mag-invest, kailangan nila ng 2.5 million pesos upang makakuha ng 10% net share.


Samantala, ang kontrata naman ay walang specified end date.


Nauna na rito ay ang pagsisiwalat ni Rendon na muli na namang magbubukas ang kanyang restaurant at sa pagkakataong ito ay ililibre na niya ang entrance at drinks rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo