Rendon Labador Isinisi Kay Coco Martin Ang Nilangaw Niyang Business Opening!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Muling nagrant sa social media ang motivitional speaker at social media personality na si Rendon Labador hinggil sa failed opening ng kanyang negosyo.


Ayon kay Rendon tila pinersonal siya ng mga tagahanga ni Coco Martin, gayung ang ipinaglalaban lamang niya ay ang mga vendors sa Quiapo.


Labis na nadismaya si Rendon dahil umabot umano sa 1.2 million ang kanyang nagastos para sa grand opening ng kanyang business.


Ang ticket para sa opening Episode Bar + Kitchen ni Rendon ay nagkakahalagang 2000 pesos. Ang inclusion naman nito ay fine dining plus drinks, bukod pa sa mamimeet siya in person.


Dahil walang bumili sa ticket para sa kanyang opening, sinisisi ngayon ni Rendon si Coco Martin at mga fans nito dahil pinipersonal na umano siya.


Ibinahagi pa ni Rendon na umabot umano sa 800 thousang pesos ang ginastos niya para sa pagkain, subalit tila mapapanis lamang umano itong lahat.


Ang drinks naman ay puro mamahalin umano na umabot pa sa mahigit 400 thousand pesos.


Sa kabila nito, ay ipagpapatuloy pa rin ni Rendon ang pagbubukas ng pangalawang branch ng kanyang negosyo sa Pampanga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo