Bayani Agbayani Nanghihinayang Sa Tropang LOL!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Labis na panghihinayang ang nadarama ng host na si Bayani Agbayani sa napipintong pagkakatigil ng noontime show na Lunch Out Loud o Tropang LOL.


Hindi naiwasang maglabas ng saloobin ni Bayani Agbayani sa usaping ito dahil maayos naman umano ang rating ng kanilang show.


Gayunpaman, sa kabila ng kanyang panghihinayang, kailangan pa rin nilang irespeto ang desisyon ng mga nakakataas.


“Para sa akin, nakakahinayang dahil sa maiksing panahon ng Tropang LOL, maayos naman ang rating namin. Pero siyempre, dapat din nating igalang ang desisyon ng network, dahil bilang employee, ang employer talaga ang may sey sa desisyon ng kanyang negosyo,” pahayag ni Bayani.


Sa kabila ng lahat, ipinahayag pa rin ni Bayani ang kanyang pasasalamat sa network dahil sa opportunity na binigay ng mga ito sa kanila.


Mapapanood ang huling airing ng Tropang LOL sa darating na April 29, 2023 at papalitan na ito sa show ni Karla Estrada na Face to Face.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo