Rayver Cruz May Birthday Greeting Kay Mr. MVP!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng aktor na si Rayver Cruz ang kanyang birthday greetings para sa kanyang bestfriend na si Gerald Anderson sa kanyang Instagram account.


Ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa na magkasama at ipinahayag naman niya sa caption ang kanyang mensahe para sa birthday celebrant. Ganun din, tinawag ni Rayver na "Mr. MVP" at "brother" si Gerald, na sulyap lang sa kanilang closeness.


Ipinagdiriwang ni Gerald ang kanyang kaarawan nitong, March 7, 2023. 


Sa kanyang espesyal na araw, nakatanggap siya ng mga mensahe ng kaarawan mula sa kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan. Siyempre, batiin din siya ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa social media.


"Happy birthday my love. My best friend and partner in life. I thank God for you everyday," pagbati ni Julia sa kanyang boyfriend.


Kamakailan lamang, nakapanayam ng ABS-CBN si Gerald Anderson, na kaagad nagviral sa iba't-ibang social media platform. 


Sa nasabing panayam, ikinuwento ni Gerald ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto. Sinabi niya na siya ang "love" of his life at napag-usapan din ang kanilang solid relationship. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo