Net 25 Proudly Welcomes Tvj Tito Vic and Joey to Their Network

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Jerome


Maraming mga netizens ang na excite sa mga bagong post ng NET25, panay kasi ang pagbabahagi nila ng mga video at mga larawan nina Tito, Vic and Joey at sa bawat post ay nilalagyan pa umano nila ito ng #TVJsaNET25.


Sa isang post nga kahapon ng naturang network March 7 ay wenelcome pa nito ang TVJ at sabi nga caption nito na, "Tito, Vic and Joey nasa NET25 na! Barkada'y dumarami, TVJ ay kasama na sa ating family! Nandito na sa NET25 ang paboritong trio ng Pinas; Tito, Vic and Joey!"


Dagdag pa sa caption ng NET25 ay ang mga shows ng Trio, "Makipag-tawanan kay Joey De Leon sa “Oh No! It’s Biro Only”. Makipag-kwentuhan naman kasama si Bossing Vic Sotto sa “Love, Bosleng and Tali”, at mag-Reality Check tayo kasama si Tito Sotto."


Sa mga post nga na ito ng nasabing network ay hindi maiwasan ng mga netizens na mabigyan ito ng pansin na tila ba nagpapahiwatig daw ito na tuloyan na nga daw na lilipat ang Trio at mukang dadalhin na rin daw nila dito ang noontime show na Eat Bulaga.


Ito daw kasi ang bulong bulongan sa ngayon na kung sakali daw na hindi mgkasundo ang dalawang panig ay tuloyan na nga nilang ililipat ang nasabing noontime show sa ibang channel.


Malaki nga ang posibilidad na sa NET25 dadalhin ng Trio ang Eat Bulaga dahil mayroon na nga silang mga sariling show dito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo