Raffy Tulfo, Dismayado Kay Maegan Aguilar Hindi Na Siya Tutulong!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Dismayado ngayon si Idol Raffy Tulfo sa anak ni Freddie Aguilar na si Maegan dahil nag positibo ito sa ginawa nilang drug test.


Lumabas na ang resulta sa isinagawang drug  test kay Maegan matapos itong dumulog sa programa ni Sen. Raffy Tulfo.


Humingi ng tulong si Maegan kay Idol na sana ay matulungan umano siya nito sa kanyang pagpapagamot at sa muling pagbabalik trabaho.


Subalit nadismaya si Tulfo nang magpositibo sa paggamit ng shabu si Maegan.


Inalok pa siya ni Sen. Tulfo ng rehab ngunit inatras na nito ang pagbibigay ng tulong pinansiyal at kabuhayan kay Maegan.


Iginiit naman ni Maegan na hindi siya adik dahil isang beses lamang umano itong nangyari dahil sa kanyang pakikisama subalit hindi na basta-basta naniniwala ang Senador.


“Nagsinungaling kayo sa akin once, ano pong guarantee na hindi kayo magsinungaling for the second time, na aayusin n’yo na po ‘yung buhay n’yo,” saad ng senador.


Gayunpaman inilahad naman ni Sen. Raffy Tulfo na nabigyan na niya ng 20000 si Maegan bago pa man lumabas ang positive result ng drug test nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo