Nagsalita Na Si Liza Soberano Sa Isyu Na 'Wala Siyang Utang Na Loob'

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Jerome

 

Nagsalita na ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano o si Hope Soberano na gusto niyang itawag sa kanya.


Nagsalita na nga ang actress dahil siguro hindi na niya matiis ang mga pambabatikos sa kanya ng mga netizens na nagsasabing ungrateful siya o walang utang na loob sa mga taong naging daan upang siya ay sumikat sa showbiz.


Na naging dahilan daw ng magandang buhay na tinatamasa ngayon ng kanyang pamilya.


Sa naging panayam nga ng ABS-CBN kay Liza ay ito ang naging kanyang mga mensahe. "I feel like a lot of people mixed reactions towards my vlog."


"But I'm speaking from my experiences and I will reiterate that I am truly grateful for everything that I had and everything that I had experienced, everything that I had achieved in life."


"I acknowledge that I wouldn't have any of that if everybody along the way wasn't there with me."


Nilinaw din ng actress na wala namang problema ang screen name niyang Liza kahit na hindi daw siya ang pumili nito para sa kanyang sarili.


Kahit na nga daw Hope Soberano na ang kanyang bangong screen name ngayon ay puwedi parin naman daw siyang tawaging Liza.

 

Grateful din daw umano si Liza sa kanyang manager noon na si Ogie Diaz, matatandaang binigla kasi ng actress ang publiko dahil sa kanyang vlog na "This is ME" noong linggo.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo