Deniece Cornejo Hindi Pa Rin Susuko Mag-aapela Para Sa Kaso Ni Vhong Navarro!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin sumusuko si Deniece Cornejo sa legal battle nila ng actor-host na si Vhong Navarro.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, naghahanda umano ngayon ang kampo ng dating modelo na si Deniece Cornejo upang iapela ang binasurang mga kaso laban kay Vhong Navarro.


Ilalaban pa rin umano nito at paninindigan ang dalawang criminal cases, Act of Lasciviousness at Rape na isinampa niya laban kay Vhong Navarro noon pang 2014.


Naghahanda na umano ngayon ang kampo ni Deniece na ihain ang kanilang Motion For Reconsideration, upang bawiin ang pang-aabswelto kay Vhong Navarro ng Supreme Court.


“Hindi pa rin talaga titigil itong si Deniece Cornejo. Itutuloy pa rin niya, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paglaban. Dahil ang kanyang ano sa buhay, walang sukuan, tuloy ang laban,” pahayag ni Cristy Fermin sa kanyang Showbiz Now Na vlog.


“Magi-MR na naman sa Supreme Court. Pwede ka kasing mag-MR mula sa lower court, pwede kang tumakbo ng Court of Appeals o kaya ay DOJ (Department of Justice) para mabaligtad ‘yung inaasahan mong kaso. 


"Pupuwede ring sa Supreme Court magi-MR kasi hindi pa nga final and executory,” pagpapaliwanag pa ni Cristy Fermin.


Ipinunto rin nito na talagang walang balak na umatras ni Deniece Cornejo sa pakikipaglaban kay Vhong Navarro.


Aniya pa, “kung saan po ito patutungo, hindi po natin alam. Pero hindi raw po papayag si Deniece Cornejo na basta na lang siya matalo sa labanang ito.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo