Panayam Ni Boy Abunda Kay Liza Soberano Isang Damage Control ng Careless?

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


 Patuloy pa ring umaani ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang kamakailang exclusive interview ni Liza Soberano sa programa ni Boy Abunda sa GMA7.


Tila hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin ang logo ng 'Careless' sa interview ni Boy Abunda kay Liza Soberano na ipinalabas kamakailan lamang.


Kaya naman sa tingin umano nina Cristy Fermin ay planado ng careless ang nasabing interview.


"Ito naman po ay halatang-halata na sinalo ang lahat ng mga pinagsasabi ni Liza Soberano. Magkaibigan kasi 'yung nag-interview at si James Reid," ani Cristy Fermin.


"Alam na natin kung ano ang naganap bago maupo si Liza. Alam na natin kung ano ang scheme of things na tinatawag para mapabulaanan 'yung mga naunang sinabi ni Liza at mabaliktad ang kwento para siya ay magmukhang hindi inggrata," dagdag pa nito.


Gayunpaman, ani Cristy Fermin sa kabila ng panibagong pahayag ni Liza tila hindi pa rin nababago nito ang pananaw ng ilang netizens sa kanya na isa siyang inggrata.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo