Lugi Nga Ba Si Liza? Tita Joni Ni Liza,Sinupalpal Nagsabing Bakit Pa Siya Kumukuha Ng Kumisyon?

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


Matapos isiniwalat ni Liza Soberano sa kanyang exclusive interview kay Boy Abunda ang hatian ng komisyon mula sa kanyang talent fees sa pagitan nila at ng kanyang mga managers na sina Ogie Diaz, Tita Joni at Star Magic, nagkaroon na ng samu't-saring koro-koro ang mga netizens.


Sa panayam inilahad ni Liza na mula nang pagpasok niya sa showbiz hanggang 2015 ay 30% ng kanyang kita ay napupunta kay Ogie Diaz, 20% naman rito ay napupunta sa kanyang Tita Joni at 10% naman ang komisyon ng Star Magic mula sa kanyang mga endorsement.


Ang kanyang Tita Joni ay kapatid ng kanyang ama. Ito rin ang tumatayong guardian niya, road manager at PA.


Kung susumahin ay nasa 40% na lamang ang natitira sa aktres, kung saan nababawasan pa sa pagbabayad niya ng mga buwis sa Pilipinas at sa US.


Samantala, dahil sa pagsisiwalat na ito ni Liza marami ngayon ang bumabatikos sa Tita Joni nito at kung bakit nakikihati pa umano ito sa kita ng aktres gayung maari naman itong magdemand na lamang ng sweldo sa pagiging PA at manager ni Liza.


Ayon sa komento ng netizen, "Ms. Jonilyn, bakit pos kumukuha pa kayo ng komisyon kay Liza Soberano sa po nagpasweldo nalang po kayo as RM & PA, hindi po yung may percentage ng salary ni Liza ang komisyon. Tuloy damang ngawa ni Liza kay Tito Boy."


Agad naman itong sinagot ng Tita Joni ni Liza Soberano at sinasabing hindi siya mukhang pera na kagaya ng ipinapalabas ng netizen, namumuhay lamang umano siya.


"Buti po pinapanood niyo both sides okie po yan, if tingin niyo may mali ako sorry po. Pero most of the time po yung pala-decide po kayo basta na lang kumada yan po ang nagpapalala. Basta ako po ay hindi mukhang pera ako po ay namumuhay ng sapat.."


Ipinunto pa ng Tita Joni ni Liza na ang komento ng ilang mga netizens ang nagpapalala sa sitwasyon ng kanyang pamangkin.


Siniwalat din niya na mahal niya si Liza at nirerespeto si Ogie Diaz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo