Ogie Diaz Sinisira Si Liza Soberano?

Monday, March 13, 2023

/ by Lovely


Inamin ng aktres na si Liza Soberano sa exclusive interview niya sa programang Fast Talk ni Boy Abunda na malaki ang tampo niya sa dating manager na si Ogie Diaz.


Nasasaktan na umano siya sa ginagawang pagsisinungaling nito sa mga ibinahagi nitong pahayag kung saan ipinapalabas nitong siya ang may mali.


Ayon kay Liza Soberano na marami umanong sinabing hindi totoo si Ogie Diaz tulad na lamang na sa nakalipas na dalawang taon ay hindi na raw siya kumukuha ng komisyon sa aktres.


Pagsisiwalat pa ni Liza na bilang pagsunod sa kontrata, ay nakakuha pa ng paycheck mula sa kanya si Ogie this week.


“Nagtatampo po ako sa kanya kasi even a few weeks ago before ko ni-release po ‘yung vlog ko, actually nung blinack out ko ‘yung social media ko, nag-message pa po siya sa akin parang sabi niya, 


‘Nak may tumutulong na ba sa’yo to get your social media accounts back?’ Kasi akala niya na-hack ako.


“So we were ok. So I don’t understand why he is choosing to fight me. It feels like he is trying to fight me or trying to ruin me when I never said a single bad thing about him… Because he is saying so many things that are untrue.


“Like for the past two years hindi po siya kumukuha ng commission. That just make me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano ‘yung nangyayari sa loob. He is calling me ungrateful when he knows very well how grateful I was to ABS-CBN.


“So why is he trying to say things to make people turn against me?” buong paglalahad ni Liza.




No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo