Ogie Diaz, May Mensahe Para Kay Sarah G. Matapos Masold Out Ang Ticket Sa Loob ng 6 Days!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


 Agad na nagbigay ng mensahe ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, matapos mag-sold out ang ticket para sa anniversary concert nito sa loob lamang ng anim na araw.


Pinuri at binati ng talent manager ang singer dahil sa agarang pagkasold-out ng ticket nito sa loob lamang ng maikling panahon.


Bagama't sa darating pa na May 12 magaganap ang concert tila excited na ang lahat dahil sa nagsipagbilihan na ng mga ticket.


"In just six days. Congratulations! Dahil sold out na ang 20th anniversary concert ni Miss Sarah Geronimo," pahayag ni Ogie Diaz.


Matatandaan na ang 15th year anniversary ni Sarah ang tinaguriang highest grossing concert ng bansa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo