David Licauco Napahanga!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Jerome

 


Usap-usapan ngayon sa social media ang isang vlog ni Zeinab Harake kung saan ay sinurpresa niya ang kanyang kapatid na isa ring vloger na si Rana Harake.


Paano daw kasi, sino ba naman ang  hindi masusurprisa eh si David Licauco ba naman daw ang ginawang pangregalo ni Zeinab sa kapatid nito.


Lalo pa at crush na crush daw ng vlogger na si Rana Harake ang Ginoong si David Licauco.


Pag-amin ni Zeinab plano sana daw niyang gantihan ang kanyang kapatid na si Rana sa ginawa nito noong palaka prank sa kaarawan niya.


Pero napagtanto naman niyang deserve naman daw nga kanyang kapatid ang masurpresa ng isang David Licauco.


Kaya naman ay hindi siya nagdalawang isip na magmessage kay David na kuntyabahin ito para sa surpresa na kanilang gagawin sa espesyal na araw ng kanyang kapatid na si Rana Harake.


Samantala, bago pa man ang surpresa ni Zeinab sa kapatid ay nagpaalam muna siya sa partner ni Rana na nasa ibang bansa upang hindi ito magulat pag labas ng vlog.


Mismong sa restaurant ng actor na si David ginanap ang kanilang pagkikita kaya mas pina special pa ang kanilang pagtatagpo.


Kaya naman hindi daw talaga makapaniwala ang vlogger na si Rana ng paglingon niya ay nasa likuran na niya ang celebrity crush na si David Licauco.


Paglilinaw naman ni Zeinab sa mga fans ng FiLay, "Wag kayong magagalit sakin lalo na sa fans ng FiLay, kami fans din kami kaya nga nagustuhan ni Rana si David dahil sa character niyang si Fidel."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo