Ogie Diaz Isiniwalat Ang Mga Hamon Sa Pagiging Manager!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng talent manager na si Ogie Diaz dahil sa ginawang pagsisiwalat ng aktres na si Liza Soberano sa kanyang vlog.


Inilabas niya sa kanyang Facebook account ang mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa pagmamanage ng mga artista.


Matatandaan na binabatikos ngayon si Ogie Diaz lalo na ng mga tagahanga ni Liza Soberano matapos isiniwalat nitong tila ginawa lamang siyang sunod-sunuran ng dating management under Ogie Diaz.


"Akala n’yo, madaling mag-manage ng talents? Ay, hindi po. Apakahirap. Para kang buntis. Binubuo mo pa lang sa iyong sinapupunan, iniisip mo na ang future niya."


Ibinahagi pa niya na bilang isang manager, isa din siyang mentor, kaibigan at pamilya ng kanyang mga alaga.


"Hindi ka lang basta manager — nanay, tatay, kapatid, kaibigan ka din nila. Ibig sabihin, pati personal nilang buhay, kailangan mong gabayan — nang walang komisyon. Nang labas na sa trabaho mo bilang talent manager." 


Mali din umano ang akala ng ilan na malaki kaagad ang kita nila sa pagmamanage dahil hindi umano madaling magpasikat ng talent.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo