Ex-Pba Star Boybits Victoria, Puman@w Na Sa Edad Na 50!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 Pumanaw na si Boybits Victoria, dating Philippine Basketball Association (PBA) player, sa edad na 50. 


Kinumpirma ang malungkot na balita ng kanyang dalawang anak na sina Ciaz Victoria at Nathan Victoria. Ayon kina Ciaz at Nathan, namatay ang kanilang ama dahil inatake sa puso kagabi, March 1. 


Nagbahagi rin sila ng mga detalye tungkol sa burol ng kanilang ama, na gaganapin mula Marso 2 (10 a.m.) hanggang Marso 5 (10 a.m.) sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium, Sucat. Ipapa-cremate ang kanyang labi sa Marso 5 (11 a.m.) sa parehong lugar.


“Hello po, this is Boybits’ kids, Ciaz Victoria and Nathan Victoria. It’s with a heavy heart that we announce our dad’s death from acute myocardial infarction and he was pronounced dead at 6:55pm at San Juan De Dios Manila."


“To those who wish to see him, his viewing will be at Loyola Memorial Chapels and Crematorium, Sucat from March 2, Thursday around 10am to March 5, Sunday around 10am."


"His cremation will be on March 5, Sunday at 11am also to be held at Loyola Memorial Chapels and Crematorium, Sucat,” pagbibigay alam ng mga anak ni Boybits.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo