Ogie Diaz Binanatan Si Rendon Labador Sa Pagiging Siga!

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng payo ang talent manager at showbiz vlogger na si Ogie Diaz sa online personality na si Rendon Labador tungkol sa kanyang mga banat laban kay Coco Martin at sa kanyang palabas na Ang Batang Quiapo.


Sa kanyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update,” ang talent manager na si Ogie Diaz ay nagpahayag siya ng payo para  sa motivational speaker na si Rendon Labador. 


Ito ay matapos punahin ng huli ang production team ng FPJ’s Batang Quiapo at ang bida nitong si Coco Martin.


Matatandaan na ilang beses nang binarda ni Rendon Labador si Coco Martin at ang palabas nito sa pang-aabala nito sa mga naghanap buhay sa Quiapo.


“‘Yung malasakit mo sa mga vendors, okay ‘yan, tama ‘yan. Pero ‘yung approach natin kung paano i-call out ‘yung ‘Batang Quiapo’, ‘yung production o si Coco, parang you went overboard,” saad ni Ogie Diaz.


“Sana ‘yung mahinay lang. Malkay mo pakinggan ka pag mahinay ka… ‘Wag nating pairalin ang pagiging siga,” dagdag pa ng talent manager.


Ayon kay Ogie Diaz, ang dapat sisihin ni Rendon ay ang Manila local government unit (LGU) sa pagpayag sa mga producer ng palabas na magshooting sa Quiapo.


Samantala, hindi pa sumasagot si Labador sa payo ni Diaz habang sinusulat ito.




( Hide )
  1. Hindi sya sumikat kay Pingris,,,,kaya kay Coco naman mag try hehe SAWSAW pa MORE.

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo