Ogie Diaz Binanatan Ang Nagbibitterang Ina Ni Charice Pempengco!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely


Hindi nagustuhan ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang ginagawang pagkukumpara ng ina ni Charice Pempengco na si Raquel Pempengco sa dating performance ng anak at sa performance kamakailan ni Morissette sa concert ni David Foster.


Agad naman nang binura ni Raquel ang kanyang post, subalit, tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng screenshots rito.


“Kahit tanggalin mo pa ‘yan, ‘di pa rin ‘yan matatanggal sa kamalayan ng mga tao na may hash ka, may kuda ka Mommy Raquel. Wala naman problema, magkaiba naman si Charice Pempengco at si Morissette Amon."


"Kung feeling mo, ‘di nabigyan ng justice ni Morissette Amon ‘yung kanta at ‘yung anak mo lamang ang makakakanta, eh babalik na naman tayo sa dati na parang hindi mo talaga gusto ang pagbabagong-anyo ni Charice Pempengco na ngayo’y Jake Zyrus na,” komento ni Ogie Diaz.


“Kasalanan ba ni Morissette kung kumanta siya? Kasalanan din ba ni David na pakantahin niya ‘yung kanta niya kay Morissette? Wala rin naman kasalanan si Charice kung magbago siya ng anyo, pero para magsalita ka ng ganito ay parang hindi maganda,” pagpupunto pa ni Ogie Diaz.


Sinabi rin ni Ogie Diaz na ginagalang naman niyang ang opinyon ng ina ni Jake subalit dapat rin umano nitong i-assess ang sarili upang hindi mabash.


“‘Yung opinyon mo ginagalang ko pero syempre tingnan mo naman nag-opinyon ang mga tao. Binabash ka tuloy. Baka pwede mong –i-asses ang sarili mo kung saan ka nagkamali. Kung nagkamali ka ba sa mga kuda mo,” dagdag pa ni Ogie.


Hiling pa ni Ogie na kung nais niyang ipagtanggol si Charice ay huwag siyang managasa ng ibang tao.


“Walang problema kung ipagtatanggol mo ang anak mo kasi anak mo ‘yan. Walang problema kung idedepensa mo siya at kung feeling mo si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makakapagbigay ng justice sa song. Ang problema, may sinasagasaan kang tao.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo