Ina Ni Raquel Pempengco Agad Na Bumwelta Kay Ogie Diaz!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely


 Tila nagkaroon ng lakas ng loob ang ina ni Charice Pempengco matapos sang-ayunan ng kolumnistang si Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na sinang-ayunan ni Cristy Fermin ang mga pahayag ni Raquel Pempengco na walang makakapalit sa kanyang anak na si Charice sa pagkanta kasama ni David Foster.


Sa pahayag na ito ni Cristy tila nagkaroon na ng lakas ng loob si Raquel at binarda ang pagsupalpal sa kanya ni Ogie Diaz.


“You got my point Ms. Cristy Fermin. Gusto ko sana ikaw mag Interview sa akin para naman matauhan si Ogie Diaz, basta na lang sasakay sa komento ng mga basher,” post ni Raquel Pempengco sa kaniyang Facebook account kalakip ang video ng pagsang-ayon ni Cristy Fermin sa mga nauna niyang post.


Hinamon pa ni Raquel si Ogie Diaz na maglalabas siya ng resibong naging matagumpay hanggang ngayon si Jake Zyrus.


“Wait ka lang at bibigyan kita ng mga achievements ni Jake na hindi mo nalalaman. Baka mawindang ka at maniwala na talagang LEGENDARY AND NOBODY CAN DEFEAT CHARICE OR JAKE,” maanghang na pahayag ni Mommy Raquel.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo