Nadine Lustre May Bagong Rebelasyon

Martes, Marso 14, 2023

/ by Jerome


 Inamin ng actres na si Nadine Lustre na tulad ng mga normal na mga tao makalat daw din siya sa totoong buhay.


Taliwas sa mga paniniwala ng kanyang mga tagahanga na napaka organize niya sa lahat ng mga bagay.


Ayon nga sa actress na hindi din daw ganun ka perfect ang kanyang buhay kung ikukumpara sa mga nakikita at napapanood ng mga netizens sa mga larawan at videos niya sa kanyang social media account.


Dagdag pa niya na, "Hindi daw lahat ng nakikita sa social media ay nagrereflect sa tunay na buhay ng isang tao."


Marami pa daw hindi alam ang mga netizens tungkol sa kanyang totoong buhay.


Samantala tungkol naman sa mga issue na pilit na ibinabato sa kanya ng paulit-ulit na talaga namang natatawa nalang daw siya sa mga issue na ito.


Ang issue nga na ito na laging ibinabato sa kanya ay ang balita daw na siya ay buntis, ngunit wala naman daw itong katotohanan.


Saad nga ng actress, "This happen every year I don't know why, I don't know how, people just decide that I'm pregnant every year, I don't even look like it I mean if I'm pregnant though I want happily announce it to the world, but sadly guys I'm not pregnant."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo