Ogie Diaz Pinayuhan Si Liza Soberano Na Manahimik Na Lang Para Hindi Na Mabash!

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely


 Binuking ni Mama Loi ang kanyang kasamahan na si Ogie Diaz at ang hiling nito sa dating alaga na si Liza Soberano na huwag na sana itong magsalita pa para matigil na ang pambabash sa kanya.


Matatandaang sa makailang pinaunalakan niyang interview matapos mailabas ang vlog niyang 'This is Me', naparatangan si Liza na umano'y hindi marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong naging bahagi ng kasikatan niya sa mundo ng showbiz sa ating bansa.


"Alam niyo po, may chika ako sa inyo... Ang laging sinasabi ni 'Nay Ogie sana hindi na siya (Liza) magsalita para hindi na siya naba-bash," pambubuking ni Mama Loi kay Ogie Diaz.


"Ako 'yung tatay e, nahu-hurt din ako. Na parang bakit ginaganito 'yung bata at nagaganito 'yung bata. Naja-judge agad siya. Dahil kahit naman ako naja-judge din ng mga tao. Pero wala akong pakialam dahil ako 'yung mas matagal na dito. Mas alam ko 'yung laro dito sa industriya lalo na sa social media," sagot naman umano ni Ogie Diaz sa kanya.


Samantala, inaabangang ngayon ng maraming netizens ang ipapalabas na update ni Ogie Diaz bilang sagot sa pag-amin ni Liza Soberano na may tampo ito sa kanya.


Ipinahayag pa ni Liza na pakiramdam niya sinisira umano siya ng dati niyang talent manager at pakiramdam niya ay kinakalaban siya nito gayung alam naman umano nito ang kanyang mga pinagdaanan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo