P1 milyon na tig-P1k, ginawang kapa para sa baby na nagdiwang ng 1st birthday

Martes, Marso 14, 2023

/ by Sparkle

 


Natupad ng mag-asawa sa Jordan, Guimaras ang kanilang plano na gawing engrande at marangya ang unang kaarawan ng kanilang anak.


Sa GMA News Feed video, makikita na elegante ang disenyo ng birthday party ni baby Adeena Maziken, na aakalain mong nagde-debut ang birthday girl.


Ang gaganda ng mga palamuti, ang gaganda ng mga gown ni baby Adeena, may mga performer, at 5-layers pa ang cake.




Ang highlight ng selebrasyon at pinag-usapan ng mga dumalo at nakakita nito sa social media, ay ang regalo ng kanyang mga magulang na P1 milyon, na ginawang kapa na tig-P1,000 bawat isa.


Nakadikit ang kapa sa gown ni baby Adeena sa kalagitnaan ng selebrasyon.


Ayon kay Mommy Rolyn, hindi pa siya buntis, pinag-ipunan na nila ng kanyang partner ang kanilang magiging anak.




"Ever since nanganak ako, plan ko talaga na luxurious and bongga ang magiging first birthday party niya," anang ginang.


Mensahe ni Mommy Rolyn sa anak, "You know that mommy and daddy loves you so much, everything we will do for you, for your better future. I hope someday, maging tulad ka namin ni daddy mo na generous."


Ilalaan daw ng mga magulang ni Adeena ang naipon nilang pera para sa kinabukasan ng kanilang anak.




Gusto raw nilang maramdaman ni Adeena ang pagiging isang prinsesa hindi lamang sa kanyang kaarawan kundi sa kanyang pang-araw-araw na buhay.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo