Mystica Nagdadalamhati Sa Pagpanaw Ng Nag-Iisang Anak Na Si Stanley Villanueva !

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Jerome

 


Labis ang pagdadalamhati ngayon ni Mystica dahil sa pagkawala ng kanyang nag-iisang anak na si Stanley Villanueva.


Kahapon lamang March 26 inanunsyo ng actress at singer na si Mystica ang pagpanaw ng kanyang nag-iisang anak na si Stanley.


Sa kanyang social media account ay ipinahayag ni Mystica na nilabanan ni Stanley kondisyong medical kabilang na ang paglaki ng puso.


Ayon sa kanyang post ay ardiomyopathy, liver cirrhosis and pneumonia ang naging sanhi ng pagpanaw ng anak niya. 


Sunod-sunod ang naging post ni Mystica sa kanyang social media account bilang ala-ala sa kanyang namayapang anak.


Lalo na at wala siya ngayon sa Pilipinas kundi nasa Las Vegas, upang magtrabaho bilang entertainer.


Saad ni Mystica, "Sinabi mong hindi mo ako iiwan pero sumonod karin sa apo kong si Gangriel."


Matatandaang October noong nakaraang taon ay pumanaw ang apo ni Mystica na si Gangriel Villanueva kaya hindi maka panilawa si Mystica na agad naman sumonod ang kanyang anak.


Kaya naman labis ang pagdadalamhati ngayon ni Mystica sa nangyaring ito. 


Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay para kay Mystica at sa kanyang pamilya na naiwan.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo