‘Anilag Got Talent’ Host Binabatikos Dahil Sa Masamang Biro Nito Sa Isang Contestant!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


Isang mental health advocate at event host ang nakatanggap ng napakalaking batikos sa social media matapos magbitiw ng hindi magandang biro ang isang beatbox performer.


Si Linus Van Plata ang naging host sa ‘Anilag Got Talent’ na nagpainit sa dugo ng mga netizens matapos niyang sabihing wala nang ibang contestant na may gustong gumamit ng kanilang microphone matapos gamitin ng beatbox artist na kinilalang si Jerico Flores a.k.a Joker Beat.


“Wala pong gustong gumamit ng mikropono dahil parang napunuan ng kalawayan,” pahayag ng host na pagpapahiya sa beatbox performer.


Hindi naman maitago ng nasabing performer ang kanyang pagkadismaya sa pamamahiya sa kanya ng host.


“Sa lahat po ng nakakakilala sakin, ako po ay mabuting tao. Hindi kopo alam bakit ako pinahiya ng sobra ng host. Hanggang ngayon po di ako makalabas samin sa sobrang hiya. Nawalan po ako ng gana sa lahat. Kahit guest at invite nawala po sakin,” saad ni Flores.


Samantala viral na ngayon sa social media ang videong ng insidente. Binabatikos rin ngayon si Plata dahil sa kanyang ginawa kay Flores.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo