Mommy Divine, Napatawad Na Si Sarah Geronimo Dumalo Sa 20th Anniversary Sa Showbiz!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Ipinagdiriwang ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang kanyang 20th anniversary sa showbiz.


Makikita na nagkaroon sila ng simpleng salo-salo at pagdiriwang kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.


Samantala, usap-usapan ngayon na tila tuluyan nang napatawad ni Mommy Divine si Sarah Geronimo at nagkabati na ang mga ito.


Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sarah Geronimo at nang kanyang magulang matapos ang pagpapakasal ni Sarah kay Mateo noong 2020. 


Mula noon ay hindi na nabanggit pa ni Sarah ang mga magulang at hindi na rin umano sila nagkakausap.


Subalit sa inilabas ni Sarah na thank you speech para sa kanyang 20th anniversary, kabilang sa kanyang mga pinasalamatan ay ang kanyang mga magulang.





Kaya naman positibo na umano ang pagkakabati nila, matapos ang mahigit dalawang taon na may tampuhan.


Matatandaan rin na naglabas si Sarah ng apology letter para sa kanyang mga magulang. Kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at kung gaano na  niya sila namimiss.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo